Manggagawa Ako

1 May

Manggagawa ako at ngayon ay araw ko

Manggagawa ako na handang tumulong sa inyo

Manggagawa ako na laging nakaantabay at sumasaklolo

Manggagawa ako na may dignidad at mga karapatan tulad ninyo.

 

Magsasaka ako na nagtatanim, nag-aalaga at nag-aani ng mga tanim para sa inyo

Mangingisda ako na lumalaot, sumisisid at nangingisda para sa hapag kainan ninyo

Tindera ako na naglalako ng sari-saring pagkain at mga kagamitan para sa pangangailangan ninyo

Kusinera ako na namamalengke, nagluluto ng masasarap at masustansiyang pagkain ninyo.

 

Gumagawa ako ng banig mula pandan at buli para may mahigaan kayo

Naglalaba at namamalantsa ako ng mga damit para may maisusuot kayo

Nagmamaneho ako ng pampublikong sasakyan para maihatid at makarating agad kayo

Naggugupit ako ng buhok, naglilinis ng mga kuko at nag-aayos ng mukha para maging maganda kayo.

 

Trabahador ako sa pabrika na maghapong nagtratrabaho

Trabahador ako na gumagawa ng mga gusali at mga kalye ninyo

Trabahador ako na labis na nagsusumikap upang mabuhay ako pati pamilya ko

Trabahador ako na humihiling ng umento sa sahod at iba pang benepisyo upang umunlad ang buhay ko.

 

Mabigyan sana ako ng maginhawang buhay

Mabuhay sana ako ng maayos at matiwasay

Masaya at kalidad na buhay ang hangad na taglay

Upang lahat tayo ay mabuhay ng pantay-pantay.

 

 

Advertisements

8 Responses to “Manggagawa Ako”

  1. Jayveelyn Barbacena November 9, 2016 at 1:47 am #

    Sa artikikulong ito masasabi ko na ang manggagawa ay kaylangan nating respituhin dahil sa hirap at pagod nila kinakailangan nila ng tamang sweldo para sa kani kanilang pamilya na kanilang binubuhay at dapat pantay pantay ang pagtingin natin sa kanila mapa ano man ang kanilang trabaho basta ito ay dangal at walang natatapakan na tao at walang nasasaktan.

    Jayveelyn Barbacena
    STEM B

  2. Vincent Lagman November 9, 2016 at 11:04 am #

    Lahat ng manggagawa ay may karapatan at dignidad din. Sila ang dahilan kung bakit may mga bagay na nagagawa o napoproseso sa ating lipunan. Kung wala sila ay wala tayong magagawang mga tahanan na ating masisilungan. Dapat pantay-pantay at hindi tinitignan ng mababa sila dahil sila ay naghahanap-buhay lang din upang may ipakain sa kanilang pamilya. Inaalay nila ang dugo’t pawis upang kumita at magkasilbi hindi lamang sa pamilya, pati narin sa lipunang ginagalawan.

  3. Sheila Talagtag November 9, 2016 at 11:28 am #

    Sa konseptong ito sinasabi na marapat lamang nating bigyan ng respeto ang bawat manggagawa mapa-blue collar man o white collar man. Ito ay dapat lamang bigyan ng halaga dahil lahat sila ay handa tayong tulungan para sa ikakaginhawa ng ating mga buhay pati na rin sa kanilang mga sariling mga buhay. Lagi natin tandaan na lahat ng manggagawa ay handa tayong tulungan sa lahat kaya huwag natin baliwalain.

  4. Mark Anthony R. Canabe November 9, 2016 at 11:53 am #

    Ang mga mang gagawa ay may karapatan at dignidad, sila din ang dahilan kung bakit meron tayong nagagamit sa pang araw araw at meron din tayong natitirhan na bahay dahil sa kanila. Kung walang mang gagawa, wala tayong magagamit o matitirhan dahil sila lamang ang masisipag sa pagpo-proseso para maka gawa ng isang bagay.

  5. Cj Macaraeg November 9, 2016 at 12:51 pm #

    Ang mga mangagawa ay kailangan natin sa bawat araw. Dahil kung walang mangagawa, wala lahat ang bagay na nakikita natin ngayon maliban sa kalikasan. Lahat tayo ay may iba’t-ibang klase ng trabaho. Dapat sapat ang mga ibinibigay na sweldo o kita ng bawat isa. Dahil ibinigay ang kanilang katawan halos ng 8 oras at mahigit. At sana ang lahat ng mangagawa ay maging matiwasay ang pamumuhay.

  6. Mara Donna Yago November 9, 2016 at 1:12 pm #

    Ang mga manggagawa ay masasabi kong kaylangan natin sa araw -araw. Sila ung mga taong kaylangan ng respeto, at mabigyan ng tamang sahod na nararapat para sa kanila, sapagkat dugo’t pawis nila ang puhunan sa bawat oras ng kanilang paggawa. Ang mga manggagawa ay nararapat na bigyan ng parangal dahil sa tibay ng kanilang loob ,halimbawa nito ay ang mga mangingisda ,masasabi kong ang kalahati ng kanilang buhay ay nasa hukay dahil may posibilidad na sya ay malunod at iba pa .

  7. ramces lopez November 9, 2016 at 3:07 pm #

    Ang bawat manggagawa sa atin ay nakakaranas ng paghihirap upang makamit ang maginhawang buhay o matustusan ang kanilang pangangailangan at dahil sa kanila nagkakaroon tayo ng katuwang upang mapagaan ang ating buhay at maibigay din ang ating pangangailangan. Tulad natin, kailangan din nila ng sapat na pamumuhay at mayroon ding karapatan dahil tulad natin, tao din sila na dapat na igalng at magkaroon ng karapatan. Kung wala sila, wala tayong makukuha. Ramces P. Lopez Stem C

  8. JOMEL CAMANIAN November 9, 2016 at 5:13 pm #

    Nilinaw ng artikulo na ito ang nasa aking isip, nililok tayo ng diyos sa kanyang anyo ng patas at pantay sa kanyang pagtingin maputi o maitim ka man at kahit na ano pa ang iyong pagkakakilanlan. Ang mga manggagawa ay kapwa din natin tao at marapat lang na ibigay sa kanila ang bagay na dapat ay sa kanila. Pantay pantay dapat nating tamasain ang mga biyaya na ipinagkaloob ng ating ama.
    Gr 11 STEM B
    JOMEL CAMANIAN

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: