Pananaliksik: Angkop na Pamamaraan sa Pagkatuto

9 Nov

Ang mga mag-aaral ay mayroon kanya-kanyang katangian at kakayahan sa pag-aaral. Ang bawa’t isa ay may natatanging kaalaman, talino at abilidad upang matulungan ang sarili na unawain ang mga naturang paksa o mga gawain na nais ibahagi ng kanilang mga guro sa paaralan. Subalit, ano ang nararapat gawin ng mga mag-aaral para lalong nilang maintindihan ang mga naturang paksa? Paano nila gagawin ito para mailapat naaayon sa kanilang sariling kaalaman, kakayahan at abilidad? Simple lamang ang kasagutan nito. Bawa’t mag-aaral ay dapat matutong manaliksik hindi lamang sa kanilang  Asignaturang Pananaliksik kundi kahit sa anumang mga asignatura o kurso na inilalatag at isinasakatuparan sa kasalukuyan naaayon sa kurikulum ng bawat paaralan o anuman institusyon na may sapat at wastong layunin para makamit ang pangkalahatang pagkatuto ng bawat mamamayang Pilipino.

Layunin at Kahalagahan

Gaano ba kahalaga na matuto ang bawa’t mag-aaral na manaliksik? Una, sa pananaliksik ay natututo ang mag-aaral na hanapin at alamin ang mga bagong kaalaman o interesadong mga bagay na sila mismo ang nakaalam o gumawa nito. Natututulungan ang mga mag-aaral na maging masipag, matiyaga, malikhain at malayang magdisisyon, kumilos o gumalaw na hindi umaaasa sa iba. Pangalawa, sa pananaliksik ay natutulungan mismo ng mag-aaral ang kanyang sarili na matuto. Sapagka’t hindi lamang ang paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pakiramdam ang ginagamit sa pananaliksik kundi pati malalim na pagsusuri at interpretasyon ng bawat impormasyon na makuha nila ay maayos na maiproseso sa kanilang mga kaisipan. Sa ganoong paraan, malaking bahagi sa pagkatuto nila ang wastong pamamaraan ng pananaliksik dahil hindi lamang nila ito pinag-iisipan bagkus ginagawa rin nila ito para matuto na umaayon sa teorya ni John Dewey sa wikang Ingles na “Learn by doing it.”  Panghuli, Ang pananaliksik ay isang kasangkapan para mapahusay lalo ang kakayahan ng mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon; mapalawak lalo ang magandang relasyon ng mag-aaral sa kanyang kapwa at mapalawig pang lalo ang kaalaman niya sa kanyang kapaligiran at lipunang ginagalawan.

Mga Dapat Tandaan

Sa pananaliksik ay marami ang dapat tandaan ng mga mag-aaral. Nakatala ito sa gawing ibaba.

  1. Maging mapatmatyag sa buong kapaligiran.
  2. Tukuyin ang napipintong suliranin o tinatayang balakid.
  3. Ilahad ang posibleng solusyon sa nasabing suliranin.
  4. Magplano ng isang maayos na pamamaraan para masolusyonan ang nasabing suliranin.
  5. Kumilos o gumawa naaayon sa plano at pamamaraang nabanggit.
  6. Magtala ng mga datus o mahahalagang impormasyon.
  7. Suriing mabuti ang bawat detalye ng impormasyon at lapatan ng angkop na gamit pang-statistica para sa interpretasyon nito.
  8. Sabihin o ilahad ang resulta nito. Ulitin ang pamamaraan ng maraming beses.
  9. Ilahad muli ang pangkalahatang resulta para masagutan ang mga katanungan o matugunan ang mga suliranin o balakid.
  10. Ipahayag ang mga bagong impormasyon o epektibong solusyon ng nasabing suliranin para sa mga mambabasa.

Mga Dapat Iwasan

Sa pananaliksik, marami ang dapat iwasan ng mga mag-aaral.  Ito ay ang mga sumusunod:

  1. Iwasan ang mga impormasyon sa Internet na pawang mali o hindi makakatotohanan.
  2. Iwasan ang maling paggamit ng Internet at hindi wastong pag-uugali at gawi sa paggamit nito
  3. Iwasan ang mga taong manloloko, mapagsamantala, mapanlamang sa kapwa, mapagkunwari o mapagpanggap at may kaduda-dudang hangarin o motibo.

 

 

 

 

 

Advertisements

11 Responses to “Pananaliksik: Angkop na Pamamaraan sa Pagkatuto”

  1. Sheila Talagtag November 9, 2016 at 11:00 am #

    Sa konseptong aking nabasa tungkol sa “Pananaliksik” ay laking tulong para sa akin. Nasabi kong laking tulong ito dahil para sa akin bilang isang mag-aaral na nalaman ko agad kung paano nga ba gumawa ng isang pananaliksik ng tama at wasto. Dahil nakapaloob na dito lahat ng aking mga katanungan kung paano nga ba gumawa at anu-anong mga bagay ang hindi dapat ipaloob sa isang pananaliksik at kung anu-ano nga ba ang mga dapat iwasan.

  2. JESTER B BALLESTEROS November 9, 2016 at 11:27 am #

    Katulad kung mag-aaral ay kaylangan ko talagang maging matalino at maabilidad pero sabe sa artikulong nabasa ko ay bawat isa ay may natatanging kaalaman kaya kung hindi ka gaanong matalino ay may abilidad ka at kung wala kang abilidad ay may talino ka.pananaliksik ay natutunan ko kung pano ito gawin at kung ano- ano ang hindi ko dapat gawin tulad ng maling pag gamit ng internet o social media.

  3. JESTER B BALLESTEROS November 9, 2016 at 11:48 am #

    Katulad kung mag- aaral ay kaylangang meron akong talino at abilidad.sabe sa artikulong nabasa ko ay bawat isa ay may natatanging talino at abilidad kaya kung hindi ka masyadong matalino ay maabilidad ka at kung hindi ka masyadong maabilidad ay matalino ka.pananaliksik ay natutunan ko kung pano ito gawin at maintindihan dahil dito sa aking nabasa.mga hindi ko dapat gawin sa internet ay nabasa korin dito ay hindi ito dapat abusuhin o wag mag lagay ng eksaktong impormasyon ng iyong sarili.

  4. Cj Macaraeg November 9, 2016 at 12:21 pm #

    Sa artikulong ito, Nagkaroon ako ng bagong pananaw tungkol sa pagkatuto. Nadagdag din ito ng mga dapat at hindi dapat gawin sa pananaliksik na gagamitin kong hakbang sa buhay. Ang Pananaliksik ay isa sa mga bahagi ng pagkatuto at pagtuklas ng abilidad na gagawin kong paraan upang matuklasan ko ang aking sarili. Kung paano ko ito mapapaunlad at matutuklasan.

  5. Angelica Mendoza :) November 9, 2016 at 1:18 pm #

    Tama nga na ang bawat mag-aaral ay nararapat ng magkaroon ng kaalaman sa pananaliksik. Dahil dito mas madagdagdagan ang kaalaman na makikintal sa kanilang isipan at lalawig pa ang kanyang nalalaman patungkol sa ibat-bang bagay. Ang pananaliksik ay nararapat na maisagawa ng mag-aaral dahil dito napapaunlad ang kanilang kakayahan at magiging kapaki-pakinabang ito dahil magagamit nila sa iba’t-ibang asignatura.

  6. Iggy dizon November 9, 2016 at 1:33 pm #

    Sa paksa na ito sinasbe na may kaniya kaniya tayong abilidad para sa akin huwag natin ikumoara ang ating sarili sa ibang tao .Dahil nilikha tayo ng may kapal na may ibat ibang talento bagkus pagyamanin natin at gamitin sa tamabg paraan ang mga takebtong ibinigay ng Diyos.

    iggy dizon stem C

  7. joswell gatan November 10, 2016 at 12:28 am #

    Base sa aking naiintidihan may ibat ibang katangian ang mga tao. May matalino malakas ang pag iisip. Meron ding mahina pero hnd dapat sila maliitin. Ang pag aaral ay mahalaga kung marunong tayong mag bada dahil iyon sa ating pag aaral. Kayat wag baliwalain ang pag aaral dahil isa ito sa susi ng ating pangarap. bigyang pansin ang pag aaral para magkaroon ng malawakang pag iisip.

  8. ryuta November 10, 2016 at 1:36 am #

    tama na ang bawat mag aaral ay may ibat ibang katangian ang iba ay mahina at ang iba ay malakas. hindi dapat maliitin ang mga mahihinang tao. tama na malaman ng mag aaral ang tungkol sa pananaliksik.

  9. Moises November 10, 2016 at 2:16 am #

    Ang mga mag aaral ay may kanya kanyang katangian sa pag aaral. Mapalad ka kung nabigyan ka ng katangian na wala sa iba kayat dapat mo pa tong paunlarin at ipamahagi ito

  10. Leonard B. Adarme November 10, 2016 at 4:51 am #

    Bawat isa sa atin ay may angking karunungan sa ibat ibang aspeto kaya hindi mo maituturing na lahat tayo ay pantay pantay.Lahat ay may pagkakaiba. Kaya ayon sa pananaliksik, ang pagkatuto ay magkakaiba depende sa napiling aspetong ng esrudyante at kung paano ito huhubugin

  11. JOHN ART ADORA November 10, 2016 at 4:58 am #

    Bawat isa sa atin at may kakaibang kataluhan at iba iba ang ating araw araw na natututunan kaya hindi natin masasabing pantay pantay tayo.
    Ang natutunan ko ay may ibat ibang klase ng pagtuturo at ibat ibang klase ng natututunan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: