Nanay Magpakailanman (Mother Forever)

8 May

Bago ipanganak (Before Birth)

Nanay (Mother): “Asawa ko! Mukhang manganganak na ako ngayon kasi humihilab na ang tiyan ko.” “Aray”!

(“Hubby, I think I will deliver my baby now because my tummy is aching.” “Ouch”!

Tatay (Father): “Sige, Mahal. Dadalhin kita sa ospital ngayon din”

(“Yes, Dear.  I will bring you to the hospital right now”)

Pagkatapos ng Isang Buwan (After a month)

Sanggol (Infant): (umiiyak) “Whaaaa, whaaaa!”

(crying) “Whaaaa, whaaaa!”

Nanay (Mother): (nagmamadali) “Dito na ako, anak. Pasususuhin na kita.”

(in a hurry) “I am already here, baby to breastfeed you.”

Pagkatapos ng isang taon (After a year)

Anak (Baby): “Nanay, Nanay”

(“Mother, Mother”)

Nanay (Mother): (niyakap) “Wow, ang galing, galing mo naman, anak ko”

(hugged the baby) “Wow, you are so smart, my baby.”)

Pagkatapos ng limang taon (After five (5) years)

Anak (Son/Daughter): “Nanay, masama po ang aking pakiramdam.”

(“Mom, I am not feeling well.”)

Nanay (Mother): “Ipatingin kita sa manggagamot.”

(“Let us see the medical doctor.”)

Pagkatapos ng sampung taon (After ten (10) years)

Anak (Son/Daughter): “Nanay, gusto ko po mamasyal, kumain at makatanggap ng regalo sa kaarawan ko”.

(Mom, I would like to take a walk, dine-in with you and receive a gift on my birthday.”)

Nanay (Mother): “Sige, anak. Bastat maging mabait kang bata ay matutupad ang mga kahilingan mo.”

(Son/Daughter, as long as you will be a good child, your wishes will be granted.”)

Pagkatapos ng labinlimang taon (After fifteen (15) years)

Anak (Son/Daughter): “Nanay, nakatapos na ako ng pag-aaral na may karangalan.” “Maraming salamat po sa inyo.”

(“Mom, I graduated already with flying colors.” “Thank you so much.”)

Nanay (Mother): (napakasaya) “Masayang-masaya ako, anak dahil nakatapos ka na may karangalan.”

(very happy) (“I am very happy that you graduated with flying colors, my son/daughter.”)

Pagkatapos ng limang taon (After five (5) years)

Anak (Son/Daughter): “Nanay, mag-aasawa na po ako.”

(“Mom, I am getting married.)

Nanay (Mother): “Binabati kita at hangad ko ang iyong kaligayan at tagumpay.”

(Congratulations and I wish for your happiness and success.”)

Pagkatapos ng sampung taon (After ten (10) years)

Anak (Son/Daughter): “Nanay, heto na po ang mga apo ninyo.”

(“Mom, Here are your grandchildren.”

Nanay (Mother): “Wow, ang gaganda at ang popogi nila.”

(Wow, they are so pretty and handsome.”)

Pagkatapos ng limampung taon (After fifty (50) years)

Nanay (Mother): (umiiyak) “Matanda na ako at malapit ng mamatay. Ano mang oras ay babalik na ako sa  Diyos. Tangi mong pakatandaan na mahalin at pangalagaan mo ang iyong pamilya tulad ng pagmamahal at pangangalaga ko sa iyo noong ikaw ay bata pa, habang lumalaki hanggang magkaroon ng sariling pamilya.”

(crying) (“I am already old and getting nearer to death. Anytime, I will go back to God.  Just remember, you have to love and care your own family as what I did love and care to you when you were young and getting older until you have your own family.”)

Anak (Son/Daughter): (umiiyak) “Nanay ko na pinakamamahal ko. Kung ang Diyos ang nagbigay ng buhay sa akin, Ikaw, Nanay ko ang nagbigay ng kulay ng buhay ko. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa iyo, Nanay, sa lahat ng mga bagay na ipinagkaloob mo sa akin. Wala po kayong katulad. Napakadakila po kayong nanay para sa akin at sa aking pamilya. Hindi lang po, masayang pagbati ng Mother’s Day sa inyo kundi masayang Mother’s Forever sa inyo.”

(crying) (“My beloved Mom. If God gave me life, You, my Mother, gave colors in my life.” I am very thankful to you for all the things that you had given to me. You are incomparable. You are the greatest mother for me and for my family. It is not only the greetings of Mother’s Day to you but also the happiest Mother Forever to you.”)

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

16 Responses to “Nanay Magpakailanman (Mother Forever)”

  1. Jaydevornn maranan November 8, 2016 at 9:38 pm #

    Ilang panahon o taon man ang magdaan ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak ay hindi magbabago.Kaya proud ako sa aking ina na pilit kaming pinagaaral para makapagtapos at magkaroon ng magandang trabaho. Kaya hindi ko ipagpapalit sa ibang babae ang aking mabait at mapagmahal na ina.

    ~Jaydevornn maranan
    ~Stem (A)

  2. philip john dhenzel s. canceran November 8, 2016 at 11:44 pm #

    nanay? Ang nanay siya ang pinaka unang taong nag aruga, nag alaga at nag palaki saakin sila rin ang ang nag turo saatin ng mga magandang asal , pag tulong sa kapwa at iba pa kaya yung mga hindi nag mamahal sa kanilang magulang mahalin nyo na sila dahil hindi nyo alam kung anong hirap napag daanan nila noong bata kayo

  3. John Christopher Bangug November 8, 2016 at 11:51 pm #

    Hindi ka makakahanap ng pagmamahal ng katulad ng sa nanay mo.Kaya ang pagmamahal ng iyong ina ay pahalagahan mo ito.Dapat mo itong suklian kase ang pagmamahal lang naman ng iyong ina ang hindi matitinag o masisira ng kahit nino man.Mahalin mo ang iyong ina dahil ang pagmamahal ng iyong ina ay forever at hindi ka niya iiwan kahit kailan.

  4. iggy dizon November 8, 2016 at 11:52 pm #

    Ang pagmamahal ng isang ina ay hindi mapapantayan.Natatangi ito at hindi mo ipagpapalit kahit kanino man.Ang hirap na sinapit nila sa pagsilang palang at pag-aalaga ay walang katumbas na halaga.Makita lang tayo na lumaking mabuting anak nila ay sapat na para sa kanila kaya kahit broken family ako hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ina kailabgan natin mahalin ang ating nga magulang kaya maswerte kayo kung buo ang iyong pamilya.

    ~Stem-C by iggy dizon

  5. leonard b. adarme November 9, 2016 at 12:01 am #

    Mahal tayo ng ating mga ina higit pa sa kanino man. Kung hahanapin mo ang pagmamahal na panghabangbuhay ay matatagpuan mo ito sa kanila. Dahil simula ng magdalang tao sila at isinilang tayo ay itinuon na nila ang kanilang buhay sa atin. Mahal nila tayo higit pa sa alam natin. Gagawin nila ang lahat para sa ating kapakanan. Kaya saludo ako sa lahat ng nanay dahil mahal na mahal nila ang kanilang mga pamilya at bilang ilaw ng tahanan ay binibigay nila ang lahat upang maalagan tayo at mapalaki nila tayo sa paraang alam nila na makakabuti para sa atin.

  6. Jerico Lustestica November 9, 2016 at 12:01 am #

    Nanay,salitang napakahalagang resposibilidad na isang responsableng babae lang ang nakakatanggap nito . Sa bawat yugto ng ating buhay sila ang isa sa mga nasa tabi natin upang tayo ay gabayan . Bilang isang anak dapat nating pahalagahan ang ating mga ina upang makabawi tayo sa mga sakripisyong kanila ibinigay sa atin.

  7. Aprilyn fidel November 9, 2016 at 1:39 am #

    Tunay nga na ilaw ng tahanan ang nanay dahil sa pagmamahal at pagaalaga nila sa atin.Kahit na hirap na hirap na sila ay hindi nila tayo sinusukuan. kayat mahalin natin ang mga nanay natin at iparamdam sa kanila na mahal din natin sila hiwag nang hintayin na mawala pa sila. Hindi matutumbasan ng kahit sino ang pagmamahal ng nanay natin.

  8. moises November 9, 2016 at 2:39 am #

    Ang pagmamahal ng isan ina ay hindi kayang pantayan ng ibang tao dahil bukod tangi ang iyong ina lamang ang makakapagbigay ng buo pagmamahal para sayo. Kaya dapat din nating mahalin at tumbasan ang pagmamahal sa atin ng ating ina

    -Moises Tragura STEM-C

  9. Mark Anthony R. Canabe November 9, 2016 at 11:45 am #

    Ilang panahon o taon man ang lumipas ang pag mamahal ng ating nanay ay hindi mawawala, maka-gawa man tayo ng kasalanan o pagkaka mali sa kanya. Kanya nyang ikatutuwa kung makikita nya ang kanyang anak na naabot ang pangarap.

  10. Jennyvie Cabillanes November 9, 2016 at 12:09 pm #

    Talaga ngang dakila ang ating ina/nanay/mama/mommy o kung ano man ang tawag natin sa kanila basta walang nabubuhay sa mundo na walang nanay dahil simula’t sapul sila na ang nagaalaga satin katulad ng aking mama nakita ko na sobrang halaga namin para saknya dahil sa sobra sobrang pagaalaga

  11. JESTER B BALLESTEROS November 9, 2016 at 12:58 pm #

    Ilang taon man ang lumipas ay hindi ito mawawala kayat kaylangan nating pahalagahan ang ating nanay kase isa lang sya sa mundo na talagang nagmamahal sa aten at sa sakripisyo nya sa pag aalagat pag dala saaten sa loob ng tyan nya ng 9 months at sa pag aalagat pag aaruga noong mga bata patayo.

  12. Mara Donna Yago November 9, 2016 at 1:00 pm #

    Ang pag -aaruga ng isang ina ay walang kapantay , sila ung gagawa ng paraan para lumaki tayong may takot sa dyos at maging mabuting anak , kaya masasabi kong saludo ako kay mama dahil sa ginagawa nyang effort para lumaki akong mabuti . Saludo ako kay mama dahil kahit gaano pa kadami ang mga pagkakamali ko sa buhay ay hindi nya ako iniwan sapagkat ginabayan nya ako sa abot ng kanyang makakaya .

  13. Joshua David D. Chua November 9, 2016 at 1:23 pm #

    Ito ang mga kataga na laging nagagamit sa aking nabasa ngunit may isa akong hindi malilimutan ito ang pagmamahal ng isang ina. Ang pagmamahal ng isang ina ay hindi magbabago at hindi mapapalitan dahil ito’y pagmamahal nila. Ang aruga ng isang ina ang pinaka masarap na pakiramdam na matatamo mo dahil it’y totoo at sobra sobra. Ang pagmamahal ng isan ina ay hindi kayang pantayan ng ibang tao dahil bukod tangi ang iyong ina lamang ang makakapagbigay ng buo pagmamahal para sayo.

  14. Kenneth F. Estores November 9, 2016 at 1:43 pm #

    Lumipas man ang panahon, hindi kukupas ang pagmamahal sa atin ng ating Ina. Mahal na mahal tayu ng ating Ina na kahit may nagawa tayung pagkakamali ay tinggap parin tayu ng buo. Kaya kahit sa simpleng paraan ay sulian nain ang pagmamahal nila sa atin, sa simplen paggalang at pagrespeto sa kanila. Sa simpleng halik mo lang nyan sa pisngi ay matatanggal mo na ang pagod nila sa maghapon na paglilinis at pagluluto sa bahay. Mahalin natin ang ating Nanay sa paraan na gusto mo.

  15. JOMEL CAMANIAN November 9, 2016 at 4:38 pm #

    Hindi makakaila ng kahit na sino ang lahat paghihirap at pagiintindi na ginagawa ng ating ina para sa atin. Marapat lang na ibalikdin natin sa kanila ang pagmamahal na nagbigay sa atin ng ating buong pagkatao lalo’t higit sa mga huling panahon na kasama natin sila. Hindi natin sila makakasama ng matagal kaya ngayon plang ay sabihin mo nang ILOVEYOU!
    Grade 11 STEM B
    JOMEL CAMANIAN

  16. joswell gatan November 10, 2016 at 12:39 am #

    Ang magulang natin ay hangad tayong palakahing mabuting tao. Kayat wag natin itobg biguin. Ang magulang din ay simulat nung bata palang ay lagi na nandyan para alagaan ka. Kayat sa kanilang pag tanda tayo din ang mag aalaga. Ang magulang din ay laging nandyan sa lahat ng oras para suportahan tayo sa gagawin nating tama. Kaya ang mga ina ay ito ay para saakin ay isang bayani ng aking bubay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: