Ang Iyong Nanay

6 Dec

Nanay at Nato

 

Sa pagdadalantao at pagpapakain sa iyo, ang iyong Nanay ang nag-alaga sa iyo.

Sa pag-aalaga sa iyo kung ikaw ay magsakit, ang iyong Nanay ang nagmamalasakit.

Sa pagmamalasakit sa iyo upang ikaw ay makapag-aral, ang iyong Nanay ang palaging nangangaral.

Sa pangangaral sa iyo upang ikaw ay lumaki ng matiwasay, ang iyong Nanay ang umaalalay at umaagapay.

Sa pag-aagapay sa iyo upang paglabanan ang anumang unos sa buhay, ang iyong Nanay ay nariyan at dumaramay.

Sa pagdamay at pagtulong mo sa kapwa, ang iyong Nanay ay natutuwa sa iyong mga gawain

Sa iyong mga gawain na kaaya-aya, ang iyong Nanay ay masaya sa iyong pinapakita.

Sa iyong mga kita para sa iyong ama’t ina at pamilya, sa kanilang dalawa ay sadyang napakahalaga.

Sa iyong pagpapahalaga sa pamilya, ang iyong Nanay ang nagturo sa iyo, di ba?

Sa iyong pagtuturo saan man, ang pangaral ng iyong Nanay ang hindi mo makalimutan kailanman.

Sino ka man at saan ka man, hanapin at sundin ang iyong Nanay

Kaya, habang ang iyong Nanay ay nabubuhay, buo mong pagmamahal sa kanya ibigay.

 

 

Advertisements

8 Responses to “Ang Iyong Nanay”

  1. dheachu December 3, 2014 at 6:21 am #

    Sa Iyong Nanay.
    Its a nice composition. I could recall of my mother (she had passed away). I remember the moments we have been together, all the laughter and tears, all the advice she had given to me. The composition merely tells me the importance of a mother. Everything has the mother’s touch more than giving-birth until the moment that her child/ren now have his/her own family.
    Some people usually say that they could bear to lose their father but NOT their mother.
    Being a mother is a lifetime responsibility, that a daughter could payback if she becomes a mother. It is an achievement for a mother to see her child/ren successful in life.

    ****Mother’s love****

  2. Genie Gregorio December 4, 2014 at 11:08 am #

    This poem is very touching and true that our mother is the one who give their everything, all the things that their children needs and wants to be happy,and give us an advice on how to be a better person, and eventhough there are times that I made a mistakes our mother are still give us an advice to correct our mistakes and always there to protect in all aspects of our living. Our mother is our bestfriend if there’s a problem, our mother are the one who give an advice and truly sincere all the times. Our mother are proud if there are achievements. I proud to have a mother who is very caring 🙂

  3. made guiling December 5, 2014 at 7:57 am #

    Good day po Sir ito po ung assignment ko po from BSE 3-A (MATH) MADE G. GUILING Lahat tayo ay may kinalakihang mga INA kaya nasanay na tayo palagi na nariyan sila sa ating tabi lalo na pag may problema tayo, nandyan sila para tayo ay alalayan, para tayo ay bigyan ng mga advice, at para mas lalo tayong patatagin, at ipinararamdam nila ang kanilang pagmamahal sa iyo na hindi ikaw lang ang humaharap sa problema. Alam ng mga magulang kung mali ang ginagawa mo dahil pangangaralan ka niya, dahil ayaw ng ating mga nanay na ikaw ay mapariwara andyan sila para turuan tayo ng tama at ipangaral ang kanilang mga natutunan ukol sa paggawa ng tama o mali. sa ating mga kilos na pinapikita sa ating nanay tulad nalang ng pagmamano sa simpleng ginawa mo hindi mo lang alam na buong pusong nagagalak ang iyong Ina kaya nagpapasalmat ako kasi bago mamatay ang aking Ina ay nagawa at napakita ko lahat sa kanya, ang lahat ng kanyang tinuro at nagpapasalamay ako kasi hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang turo ng aking Ina at ito ay isang kayamanan para sa akin na hanggang buhay ako ay ibabahagi ko din sa mga magiging anak ko, at sa mga ibang tao.

  4. Ana May Sanchez Cancino December 5, 2014 at 11:08 pm #

    This composition tells what a mother can do to her child, it reminds us how lucky we are to have our mother, and no one can replace the love of our mother. Many things and many people in our life have mattered to us, and many of these same things and people have also affected us in some profound, meaningful, and permanent way. Regardless of this, however, there is one person in my life who has done more for me than anyone else my mother. It seems that almost everyone thinks that their particular mother is the best one, and they cite thousands of wonderful reasons that make them feel this way. It is undoubtedly true that there are many wonderful mothers out there, and they are all very important to the people that love and care for them. Being a mom is also one of the most rewarding jobs there is. Ask almost any mother out there and they will tell you that there is not a more rewarding job/role to have then to be a mother. In our all life we learn different things from our mother. Mothers always teach us and her advice always very beneficial for us. Every day should be Mothers Day. Let’s make sure we tell our moms how special they are to us. Give the love that our mother deserves.
    .
    .
    Ana May S. Cancino
    BSE 3B

  5. Mary Jane A. Sioson December 6, 2014 at 3:59 am #

    Mary Jane Sioson
    BSE 3A (Math)

    Good day po sir ito po yung takdang aralin na ginawa ko..

    Una sa lahat nais ko munang mag-bigay ng konting paalala sa mga kabataan na hanggat na bubuhay pa ang iyong mga nanay atin silang mahalin at pangalagaan dahil hindi natin kayang tumbasan ang pag-aalaga at pag-aaruga na kanilang binbigay sa ating pagkatao o buhay.

    Lahat tayo nag-kakamali at ginagawa ang naisin natin na hindi sinaalang-alang ang ating nanay na higit na masasaktan sa maling ating disisyon na ginawa alam nating nasasaktan na sila pero ginagawa pa din natin yung gusto natin nakakalimutan ang mga pangaral na sa atin ibinigay dahil sa maling nais nating gawin sa buhay. minsan pa nga nasasabi nating matanda na tayo para pakialaman sa lahat ni hindi natin inisip ang pag-papahalaga na ginagawa sa atin.

    Parang ako, nag-kamali, ginawa ang gusto, kinalimutan ko ang pag-aalaga at pag-mamahal sa akin na binigay nung mag-kabf natutong sumagot sa kanila, hindi nakikinig sa payong binibigay sa akin ang gusto lagi ang ginagawa ko pero nung mag-kahiwalay kami dun ko naisip na hindi pala kayang tumbasan ng kahit sinong daratin na tao sayo ang pag-mamahal at pag-aaruga na binibigay sa akin. Kung kaylan ako nag-kamali dun ko pa nalaman na mas mahalaga pala talaga sila.Sana naisip ko agad yun hindi ko na sana na bigyan ng sama nang loob ang aking nanay, hindi sana nasira ang tiwalang binigay nila sa akin, wala sanang nag-bago sa samahan namin pero alam kong hindi pa huli ang lahat para sa amin upang maibalik ang dating samahan.

    Kaya sa mga kabataang nasaktan ang kanilang mga nanay at nagawan ng pagkakamali hindi pa huli para makabawi sa kanila ipakita nating kaya nating suklian ang pag-mamahal na ginagawa nila hindi puro sama lang ng loob ang ating binibigay, hindi masa ang mag-bago lalot ito ang makakabuti sa atin. Iparamdam na sa nanay ang pag-mamahal ninyo hangat hindi pa huli ang lahat mahirap kasi kung kelan wala na dun mo naisip na ipadama ang pag-mamahal mo. Sa lahat na kasama pa ang kanilang nanay ipakita nyo kung gaano sila kaimportante sa ating buhay at kung gaano natin sila kamahal.

  6. Pilar January 2, 2015 at 4:56 pm #

    You post very interesting articles here. Your page deserves
    much bigger audience. It can go viral if you give it initial boost, i know useful service that can help you, just type in google: svetsern traffic tips

  7. Axl Dela Cruz November 9, 2016 at 10:58 am #

    First love. Mama,Ina o kahit ano pamang tawag nyo sa inyong magulang, nakakalungkot isipin na sa lahat ng kanilang sakripisyo at pag hihirap ay minsan ay hindi ko napaapansin . Ngayong nabasa ko ang iyong komposisyon sir, bumalik ang mga magagandang ala-ala ng aking magulang . Na-isip ko ang mga hirap na kanilang dinaranas upang mabigyan kami ng masaganang buhay. Sana sa pag dating ng araw ay sana masuklian namin sila sa kanilang pag sisikap.Yung tipong kami na ang nag aalaga sakanila at maginhawa na ang aming pamumuhay. Ang pamilya ko kasi ang aking inspiration sa pag aaral dahil gusto kong gminhawa ang aming buhay. Yaan ang gusto kong ibalik sa aking magulang.Sana sa pag dating ng araw na ako na ang nag tatrabaho para sa kanila ay sana maayos parin ang kanilang kalagayan susuliti ko na ang lahat ng sandali habang kami ay buong pamilya. Axl G. Dela Cruz 11-STEM-(A)

Trackbacks/Pingbacks

  1. Ang Iyong Nanay « Hands-on - December 7, 2012

    […] Ang Iyong Nanay. […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: